It's Not Easy To Be Me

Ang Paglipad Ni Astroboy


wpid-14183772700071.jpg

Author’s Note

Disclaimer

Story name

Though, the title of this story bears the name “Astroboy”, it has nothing to do with the plot of the manga series written by Osamu Tezuka or claims to be an adaptation version of it.

Images

Images used for this story were found over the net for non commercial free license agreement. Modification of the images were done for aesthetic purposes. If creator(s) (of any of the images used in this book) wish to have their image(s) removed from this book, I’ll be more happy to oblige.

Songs

I wish to clarify the song lyrics (partial or full) were incorporated in the story for creative purposes and with no malice or intent to violate any copyright fringement laws. If the song writers and/or record companies wishes to have those lyrics removed from the story, I will be more willing to oblige.

Credits

Song Title: Color Me Lonely*
Artist: Keno

Song Title: Give Me A Chance
Artist: Ric Segreto
Label: Vicor

Song Title: I Think I’m In Love
Artist: Kuh Ledesma
Label: Viva Records Corporation

Song Title: Love (Will Set Us Free)
Artist: The Dawn
Label: PolyEast Records

Song Title: A Friend*
Artist: Keno

Search the web for the record, unfortunately, cannot find reputable information.


– 1 –

   Hmm… paano ko kaya sisimulan ang aking istorya?

Sa totoo lang, ayaw na ayaw kong pinag-uusapan ang buhay ko lalong-lalo na ang tunay kong saloobin. Mas sanay akong tumatahimik na lang at sinasarili ko kung ano man ang aking tunay na damdamin. Sanay na rin akong na nakikinig lang sa kuwento ng buhay ng ibang tao simula pagkabata. Ayos na ‘yun. At saka pansinin mo sa bawat umpukan ng kuwentuhan, ke-sino man ang kasama mo, laging may eepal para sapawan ang kuwento ng buhay mo. Feeling ko sa mga gaanong pagkakataon ay nasa Bulagaan (TV show segment of Eat Bulaga) ako. ‘Yun ayaw magpatalo ng kausap mo sa kuwento mo. Panigurado na ibibida niya na mas nakakahigit ang kanyang naranasan o nararanasan kesa sa mga karanasan mo.

   ‘Di ba malaking epal at panira sa moment mo?

   Kupal lang talaga ang dating!

Pero masubukan na nga ibida naman ang kuwento ng buhay ko. Tutal baka huling hirit ko na ito.

   Siguro nagtataka ka paano ko nasabing baka huling hirit ko na ito?

   Eh, putik naman!

Paano ba naman, ang alam ko kanina papasok ako ng opisina tapos bigla nalang dumilim ang paligid ko. Nagkamalay ako nasa ER na ako. Hindi ko naman alam kung bakit ako nasa ER. Masyadong magulo dito, naririnig ko ang mga nars sumisigaw ng “emergency”. Ibig sabihin, may kritikal na pasyente nasa bingit ng kamatayan.

   Katakot!

Eh, ako si epal gustong maki-usi. Tumayo ako sa kama at hinawi ang curtain na nagsisilbing divider ng bawat kama para malaman kung ano ba ang kaguluhan na nangyayari.

Noong una’y ‘di ko talaga makita ang nangyayari kasi nakasara ‘yun tabing. Labas-masok lang ang mga nars at doktor sa loob ng makeshift room.

Nilapitan ko ‘yun isang usisero malapit na nakatayo sa kama ko.

“Manong, anong nangyayari?” Tanong ko.

   Ampotah dinedma ako!

Pagkatapos umiling siya at nagsambit. “Mukhang matitigok pa yata ito, ah.” Sabay buntong-hininga.

Makalipas ng ilang saglit. Lumabas ang isang nars at kinausap ‘yon lalaking katabi ko.

“Sir, kamag-anak mo po ba ang pasyente?”

“Hindi ho! Nawalan po ‘yan ng malay sa kalsada at nag magandang loob lang ako na dalhin siya dito.”

“Ah… ganoon ba?”

“Kamusta na ba ang pasyente?”

“Kritikal po. Pwede po bang maghintay kayo dito hanggang may dumating na kamag-anak ang pasyente?”

“Ah…” Muhkang nagdadalawang isip pa si Manong. “Sige po.”

Ewan ko ba. Kinabog ang dibdib ko nang marinig ang kanilang usapan.

Maya-maya pa biglang hinawi ang curtain at natataranta ang mga medical personnels. Kasunod nito ay sumugaw ang isang lalaking medical aid na pinatatabi ang mga tao sa daan. Sunod namang sumigaw ang isang doktor at tinanong ang nars kung handa na ba ang OR. Sumagot ang nars sa reception area ng ER na handa na ang OR. Pagkatapos nito ay inilabas na nila ang kamang di-gulong mula sa tabing lulan ang pasyenteng dadalhin sa OR.

   Dafaq!

Ako pala ‘yon pasyenteng nasa bingit ng kamatayan.

– 2 –

   Tae!

Kinilabutan ako. Feeling ko nasa Twilight Zone ako. Grabe ang takot ko. Napapikit ako at tinawag ko ang mga pangalan ng lahat nakakilala kong mga santo. Nakikiusap ako na sana ay isang masamang panaginip lang ang lahat ng ito. Laking Katoliko ako pero tatlong santo lang ang kakilala ko.

   Ayos ‘di ba?!

Una, si Sta. Clara ‘yon nasa sa Katipunan na madalas alayan ng itlog ng mga deboto.

   ‘Di kaya magreklamo na ang mga madre dahil pang pataas ng kolesterol at blood pressure ang itlog? Dapat ba talaga itlog? ‘Di ba puwedeng ibang alay?

Pangalawa si St. Jude, ang takbuhan ng mga dalagang gustong magkaroon ng nobyo. Ewan ko lang kung meron siyang mga binatang deboto na nanalangin magkaroon ng syota.

   Meron ba?

Ang huli ay si Sto. Niño.

   Saglit, si Sto. Niño ay si Jesus Christ nung bata pa siya. Hala, dalawa lang pala. Talagang good luck na lang sa akin!

Sa aking pagkakapikit bilang tumahimik ang buong paligid. Sinabi ko sa sarili ko, “Yes, panaginip lang nga ito!” Kaya dahan-dahan ko iminulat ang aking mga mata.

   Potah! Mali ako!

Nasa loob na ako ng OR. Nakita kong nakatakip ang mukha ko at biyak na ang ulo ko. May doktor sa uluhan ko at binubutingting ang utak ko.

   Paano ko naman nasabi na ako nga talaga iyong tao sa operating table?

Eh, tinignan ko ‘yun kanang hinlalaki sa paa ng pasyente at nakita kong may peklat ito. Parehong-pareho ito sa hugis ng peklat ko sa paa.

Nakuha ko itong peklat na ito noong anim na taon gulang ako. Nahulugan ng China plate at sakto sa paa ko ito nabasag. Nasagi ko ito sa hapag-kainan dahil sa kalikutan ko. Ayon nahiwa at lumabas ang laman. Kaya tinakbo ako sa Chinese General Hospital na ilang kanto lang ang layo sa bahay nila lolo. ‘Di ko alam kung ilang stitches ang ginawa ng doktor kasi nang inumpisahan niyang tahiin ang sugat ko, hinimatay na ako sa takot.

   Pakshet!

Sa takot, naihi ako sa pantalon.

   Huwag kang tumawa diyan. Ikaw ba, pag nakita mong binubungkal ang utak mo, ‘di ka kaya maihi sa salawal mo sa takot?

Kumaripas ako ng takbo papalabas ng OR pagkatapos kong maihi. Nang itutulak ko na ang bakal na pinto tumagos ang aking buong katawan.

   Tengene!

Ito siguro ‘yon tinatawag na OBB (out of body) experience. Ang paglalakbay ng kaluluwa ng tao sa labas ng kanya katawang lupa.

– 3 –

‘Di ko alam kung OBB nga ito. Malay ko ba. First time kong naranasan ito. Malay ko ba kung nanaginip lang ako parang ‘yun sa palabas na Inception. ‘Yun nanaginip ka sa loob pa ng isa pang panaginip. Hindi ko talaga alam. Ang alam ko lang ngayon ay takot na takot na ako.

Pinipilit kong ginigising ang aking sarili kung talagang panaginip nga lang ito. Sinampal-sampal ko ang aking mga pisngi ng makailang ulit pero walang epekto. Nasa koridor pa rin ako sa labas ng OR. ‘Di ko na alam ang gagawin. Tumingin ako sa bandang kanan at pader lang ang nakita ko. Binaling ko ang aking tingin sa kaliwa, madilim naman ang kahabaan ng koridor.

Ayaw kong bumalik sa loob ng OR. Naduduwag ako makita muli ang utak ko na nakabuyangyang habang kinakalikot ng doktor.

   May choice pa ako ba?

Bagaman nakakatakot ang kahabaan ng madilim na koridor, nagtapang-tapangan na lang ako. Ang alam ko lang kailangan kong makalayo sa lugar na ito.

Nang malapit na ako sa dulo, naaninagan ko na may liwanag na nagmumula sa pakanan ng koridor. Kinabog na naman ang dibdib ko.

Ayon sa mga kwento, kapag daw ang isang tao ay nasa bingit ng kamatayan may makikita raw siyang liwanag. “Walk into the light.” ‘Yan ang madalas kong marinig sabihin ng mga psychics sa mga palabas na tungkol sa paranormal at usaping tungkol sa kamatayan.

   Paano naman nila nalaman na may makikitang liwanag ang taong namayapa? Sigurado ba sila na dapat maglakad papunta sa liwanag ang taong namatay? Namatay na ba sila at nabuhay muli para magbigay ng ganitong pahayag tungkol sa kung ano ang makikita ng tao pag siya’y namatay at kung ano ang dapat niyang gawin?

Napatigil ako sa paglalakad.

   Eh, paano nga kung tama ang mga psychics? Ibig bang sabihin nito hindi ako nanaginip? ‘Di rin OBB ang lahat? Patay na nga ba talaga ako kasi may nakikita akong liwanag?

Ayaw ko ng humakbang muli. Natatakot ako baka tama nga sila.

Biglang nabasag ang katahimikan. Narinig ko ang isang pamilyar na kanta.

“Soaring high in the sky,”

Napatakbo ako bigla kung nasaan ang liwanag kasi doon nanggagaling ang tunog ng kanta.

“He may be small but only in size.”

   Potah!

“Astroboy, Astroboy.”

– 4 –

Dekada ’80 nang mauso si Astroboy dito sa Pilipinas. Sa RPN Channel 9 ito unang pinalabas. Ito ay galing sa isang manga series bago ito naging isang anime. Maraming mitolohiya si Astroboy.

   i-Wikipedia mo na lang nakakatamad ikuwento lahat dito!

Sa bersyon noong 1980s, si Astroboy ay isang batang robot na ginawa ng isang scientist upang maging kapalit ng kanyang anak na namatay sa isang car accident.

Hanep ang dami niyang powers! Pero ang mas adik, may panira siya sa magkabila pigi ng kanyang puwet.  Sa dami-daming parte ng katawan sa pigi pa talaga puwet nilagay ang kanyang panira. (Actually sa hips ‘yun. Pero nung bata ako, akala ko sa pigi ng puwet.)

   Ang kulit lang talaga!

Halos mapaluha ako sa kakatawa noong makita ko na ang liwanag na kinatatakutan ko ay mula lang pala sa isang telebisyon na Astroboy ang palabas.

Nang mga sandaling ‘yun nawala sa isipan ko ang pangamba kung buhay pa ba ako at nananaginip lang, kung OBB ba ang lahat o kung patay na nga ba ako. Wala na akong pakialam. Ang alam ko lang nakakatawa ang lahat.

Natigil lang ako sa kakatawa nang mapansin ko may batang lalaki palang nakaupo sa sahig sa harapan ng TV. Bagaman na katalikod ang bata, pamilyar siya sa akin.

Dahan-dahan kong nilapitan ang bata. Nakasandong puti at padyama siya. Tayo-tayo pa ang kanyang mga buhok na tila ba bagong gising pa lang.

Noong nasa likod na niya ako, nakita ko may malaking lata ng Milo sa pagitang ng kanyang mga binti. Buksan niya ang lata ng Milo, inumpisang dakutin ng kutsara ang pulbong tsokolate at pinapak ito habang nanunuod ng Astroboy.

Nanginig ang buong katawan ko at naluha dahil ako pala ang bata ‘yun.

– 5 –

   Siguro iniisip mo, ano ba ang nakakaiiyak kung makita ko ang sarili ko noong bata pa ako? Wala siguro para sa ‘yo? 

   Sa akin meron!

Ang tagpo na ito ay ang mga huling sandali ng aking ka-inosentehan.

Walong taon ako ng balutin ng dilim ang aking mundo. Akala ko noon ang mundo isang malaking playground at lahat ng taong makakalaro mo ay mababait.

   Masaya ‘di ba?

   Tanga! Isang malaking katangahan!

   Dahil sa isang lollipop nabasag ang aking kamusmusan!

Pagkatapos kong manood ng Astroboy, naglaro ako sa bakuran ng aming bahay. Malipas ng ilang oras, nakita ako ng kinakapatid ko nasa itaas ng puno ng bayabas. Tinawag niya ako at pinababa sa puno.

Sabi ko ayaw ko. Pero sabi niya pag ‘di raw ako baba, isusumbong daw niya ako sa nanay ko.

   Sino ba naman ang gustong mapagalitan ng magulang lalo na kung may kasamang palo? Wala di ba?

Kaya bumaba ako sa puno. Pero, pinagbantaan ko ang kinakapatid ko na huwag na huwag na siyang pupunta sa bahay namin kasi galit na ako sa kanya habang buhay kasi sumbungero siya. Sabay labas dila at padabog akong naglakad papalayo.

   Bata isip talaga ang acting, ‘di ba?

Noong hapon nasa bakuran naman ako at naglalaro at napadaan na naman ang sumbungero kong kinakapatid. Ewan ko saan galing. Basta ang hilig niyang dumaan sa harap ng bahay naman.

Sumitsit siya. Narinig ko pero ‘di ko ugaling lumingon pag may sumisitsit sa akin. ‘Di naman ako aso para sitsitan. Nayamot yata kaya tinawag ang pangalan ko.

“Xxx, Galit ka pa?”

Tinitigan ko lang siya ng masama pagkatapos balik ako sa paglalaro ng kotse-kotsehan.

“Uy, bati na tayo. Sige ka hindi na kita papasalubungan ng lollipop, kendi at paboritong mong Bazooka.”

Tahimik lang ako.

“Ayaw mo talaga akong kausapin? Sayang naman ang lollipop na ito. Hmm… sarap-sarap!”

Tinignan ko siya at isinubo niya ang lollipop.

“Akala ko ba para sa akin ‘yan lollipop? Bakit mo kinain?”

“Gusto mo ba talaga ng lollipop?”

“Oo.”

“Bibigyan kita pero bati na tayo ha?”

“Oo na! Asan na ang lollipop ko?”

“Sa bahay namin marami, tara.”

“Bawal akong lumabas papagalitan ako ni Mama.”

“Pagpapaalam kita kay Ninang malakas ako doon. Paboritong inaanak yata ako ng Mama mo.”

– 6 –

   Putang-ina!

Mabilis ang mga pangyayari.

Nabuwal ako sa sahig mula sa kama dahil namamanhid ang aking mga binti at ‘di ko nakayanan tumayo ng maayos. Masakit ang tumbong ng puwet at may lumalabas na likido may kasama dugo mula dito. Iyak ako ng iyak at puno na rin ng uhog at pawis ang mukha.

“Putang-ina mo! Isusumbong kita sa Mama ko! Putang-ina mo!” ‘Yan ang paulit-ulot kong sinisigaw sa demonyo kong kinakapatid.

‘Di ko inakala na ang taong itinuring kong nakakatandang kapatid ang siya pang gagawa ng ganito sa akin. Ang taong pinagkatiwalaan ng magulang ko ang siya pang gumawa ng kahalayaan na ito.

Pagpasok namin sa bahay nila binigyan niya ako ng lollipop. Sinarado ang pinto at ini-lock ito. Binuksan ang radyo at pinatugtog ng malakas.

Noong una’y nakaupo lang ako sa sopa. Tinabihan niya ako habang kinakain ko ang lollipop. Makalipas ng ilang saglit, tumayo siya at hinila ako papapunta sa kuwarto niya.

Pagpasok ng silid niya doon na niya ako sapilitan hinubadan at puwersahang pinagawa ang lahat ng nais niya. Kahit anong panglalaban ang gawin ko mas malaki at malakas siya sa aking. Suntok sa ulo o tadyak sa balakang at puwetan ang inabot ko kapag lumalaban ako.

   Anong laban ng isang maliit at patpatin walong taong gulang na tulad ko sa isang matangkad at matipunong fourth year high school student?

   Dehado!

   Kahit anong palag ko, talo pa rin ako!

   Eh, paano kung tutukan ka ng patalim? Manlalaban ka pa ba?

Nilinisan niya ang buong katawan ko bago ako pauwiin baon ang isang supot ng lollipop at bantang papatayin niya ako pag nagsumbong ako kahit kanino.

   Ayos!

   Lollipop kapalit ng puri!

   ‘Tang-inang buhay ito!

   Bakit?!

‘Di ko maiwasan tumulo ang luha mula sa aking mga mata.

– 7 –

Kinagabihan nilagnat ako.

Nakita ni Mama may  pasa ako sa beywang at bukol sa ulo. Napansin din niya na iika-ika ang paglalakad ko. Unang kong kasinungaling sa buong buhay ko, nahulog ako sa puno ng bayabas kaya may pasa ako sa beywang, bukol sa ulo at iika-ika maglakad.

Mula rin noong araw na ‘yun hindi na rin ako lumalabas ng bahay at nakikihalubilo sa ibang tao maliban kung papasok ako ng school o kasama si Mama.

Ilan araw din ako hindi nakapasok dahil sa lagnat at pananakit ng katawan.

Doon ko naisip kung ako lang si Astroboy ‘di niya ako magagalaw. Gagamitin ko ang 100K horsepower kong lakas para labanan siya. Gagamitin ko ang laser beam sa aking mga mata para sunugin ang katawan niya. O ‘di kaya ang panira ko sa puwetan para tadtarin siya ng bala.

Kung ako lang si Astroboy wala akong mararamdaman na sakit o anuman dahil robot ako.

   Tama?

Hindi ako makaramdam ng pagkamuhi… pagkalungkot… pagkasuklam sa sarili ko.

   Ang dumi-dumi ko!

   ‘Tangna lollipop!

   Putang-inang pagtitiwala sa kapwa!

Bago matapos ang taon na ‘yun lumipat na kami ni Mama ng tirahan. Pero baon ko pa rin ang dilim na bumalot sa pagkatao ko at ang masidhing paghihiganti na tumubo sa puso ko.

   Balang araw makakaganti rin ako!

   “Stronger than all the rest,
   this mighty robot will pass the test, 
   Oh villians fear him, so we cheer him, 
   The amazing Astroboy!”

Napatingin ako sa telebisyon panibagong episode na pala ni Astroboy. Pero nawala na ang batang ako sa harapan ng telebisyon.

   Asan na kaya siya?

Iginala ko ang aking mga mata sa loob ng silid. Tanging apat na pader lang ang nakita ko at walang ibang lagusan.

Tumalikod ako at noong pahakbang na ako.

“Hey.”

Napatigil ako. ‘Di ako sigurado kung tama nga ang narinig ko para akong estatwa na ‘di makagalaw.

“Hey you.”

Mas lumakas ang boses ng binatilyo. Pamilyar ang boses na ‘yun.

“Me?” Sagot ko.

“Of course you silly. Do you see anyone else here?”

Pagharap ko, tama nga hinala ko si Jjj ang tumatawag sa akin. Nasa hallway kami papasok ng Admin building.

“I’m Jjj. I’m new here and I think I’m lost. Could you please tell where C-7 is located at?” May hawak siyang papel at doon naka-drawing ang map ng buong campus.

Bumalik sa alaala ko ang eksena na ito. Ito ang unang pagkakataon ko nakilala si Jjj.

Hahakbang na ako papalit sa kanya ng biglang sumigaw si Jjj. “Hey, where are you going?”

Paglingon ko nakita ko ang dose anyos kong sarili kumakaripas ng takbo papalayo.

“Thanks man! Freak!” Sunod na sigaw ni Jjj.

Mukhang gago lang ako nung araw na ‘yun. Ang ginawa ko lang ay tinignan ko ang mukha ni Jjj, tapos ‘yun papel na nahawak niya, binalik ko ang akin tingin sa mukha niya at pagtapos para tanga kumaripas ng tumakbo papalayo.

   Ampotah timang lang!

– 8 –

   Potah!

   Social retard lang ang dating ko!

Ikatlong taon ko na sa eskwelahan na ito, isang exclusive school for boys. Bago dito galing ako sa isang coed na school. Ang laki ng kaibahan. Mas mahigipit at mas magulo kasi nga puros lalaki kami.

Simula nang pumasok ako dito, sa pinakadulong kaliwa ng classroom ako umuupo malapit sa bintana. Mas ayos ang ganitong puwesto ‘di ka masyadong pansin ng titser.

Grade 7 na ako, wala pa rin na bago. Ang mga kaklase ay ‘di nagbago. Sila pa rin ang mga kasama ko simula noong nag-aral ako dito. Kaya ang ng bu-bully sa akin ay ‘yun pa rin magkakatropa simula Grade 5.

Ayaw ko sa eskwelahan. Ang pinaka ayaw ay homeroom period. Kasi dito may laya kaming gawin ang gusto namin. Kaya ang mga class bullies ay malaya rin pinagtritripan ako. Kahit nandiyan si Sir Ppp, ang homeroom adviser namin, pa-simple ang pangbu-bully na ginagawa ng tropa nina Aaa sa akin. Si Aaa, ang lider ng class bullies namin.

Bagaman maaga akong dumating ng school, ayon, pawisan akong nakaupo sa upuan ko. Eh, paano ba naman late si Sir Ppp, napagtripan naman akong gawin punching bag ni Aaa. Buti na lang nakatakas ako. Pero ang mga buwiset hinabol ako.

Pagbalik ko sa classroom nandoon na Sir Ppp. Ayon, pinagalitan ako. Sina Aaa at tropa niya ay nasa kani-kanilang upuan na. Hinabol nila ako kanina hanggang Admin building buti na lang mabilis akong tumakbo at ‘di nila ako nabutan. Nagpalipas ako saglit sa gilid ng Chapel para makaiwas sa kanila kaya ayon late tuloy ako.

Pagkatapos ako pagalitan ni Sir Ppp, umupo na ako sa upuan ko at nakatingin si Aaa sa akin. Nagsalita siya pero walang tunog, pinagbantaan ako nahumanda raw ako mamaya sabay amba ng kanyang kamao.

   Haist, tiyak ‘di na naman ako makakain ng lunch kakaiwas sa tropa nila!

Ewan ko ba, nag-start yata ang pangbu-bully sa akin ni Aaa, after ng isang buwan nag-umpisa ang klase noong Grade 5 kami. Wala talaga akong maalalang atraso sa kanya.

Nakatingin ako sa labas ng bintana. ‘Yan ang lagi kong gawi. Kung ‘di ako nakatitig sa kawalan, nakahiga ang ulo ko sa armrest ng upuan pinamamasdan ang pader o ‘di kaya natutulog.

Na-interrupt ang litanya ni Sir Ppp tungkol sa mga school announcements dahil may estudyante kumatok sa pinto.

“Excuse me Sir,” bungad niya. “Sorry, I’m late. I got lost. I’m Jjj and I’m a new student for this class.”

Napatingin ako sa harapan, siya ‘yun kaninang tumawag sa akin. Hindi ko naintindihan kung bakit niya ako tinawag kasi nakita ko na malapit na ako maabutan nila Aaa kaya kumaripas ako ng takbo.

“Since it’s your first day, I’ll let your tardiness slide. Better not be late again.” Sabi ni Sir Ppp. “You may take the vacant seat beside Xxx.”

Pagkaupo sa upuan, humarap siya aking.

“So, we meet again.” Sabi ni Jjj na nakangiti.

Tinignan ko lang siya at pagkatapos ay inihiga ko ang ulo ko sa armrest ng upuan ko paharap ng pader.

– 9 –

Recess.

Sa cafeteria, bumili ako ng juice. Eto lang ang break time ko sa mga pangha-harass ng tropa nila Aaa.

   Ang bait nila ‘di ba?

Ewan ko kung bakit hindi nila ako ginugulo pag-recess at wala akong balak pang alamin.

‘Di ako tumatambay sa cafeteria, ayaw ko doon masyadong maraming tao. Nang papaalis na ako ng cafeteria, nakita kong kausap ni Aaa si Jjj, mukhang nagkakasundo silang dalawa habang nagtatawanan. Tumingin sa aking si Aaa at ayon pinagbantaan na naman ako ng kanyang kamao. Kaya dali-dali kong nilisan ang cafeteria.

Papasok na ako ng classroom nang may biglang humawak sa balikat ko.

“Okay, Aaa lemme have it before Ms. Nnn gets here.” Sabi ko sabay buntong-hininga tapos dahan-dahan akong humarap na nakapikit ang aking mga mata hinihintay ang pagtama ng kamao ni Aaa sa aking tiyan.

“Dude, what are you talking about?”

Minulat ko ang aking mga mata at si Jjj pala ‘yon humawak sa balikat ko.

“You really got it bad with those guys, huh?” Bungad ni Jjj sabay hawak na naman sa balikat ko. “I just want to apologize for calling you a freak earlier. I thought you were just being weird when you dashed off like that.”

Blanko ang isip ko.

   Ano ba ang pinagsasabi mo?

“I saw Aaa and his gang running after you earlier. And, also when he threathened you with his fist in the cafeteria. Now, I understand everything.”

   Manghuhula ka ba? Gago!

“Fuck off! You know nothing! Mind your own fucking business!” Sabi ko sabay tabig sa kamay niya sa balikat ko.

Nagpunta agad ako sa upuan ko at pinatong ang ulo ko sa armrest at humarap sa pader para hindi na ako istorbohin ng kahit sino.

– 10 –

   Ang sakit!

   Mukhang napuruhan yata ako?!

   Putik!

Hindi ako nakaligtas. Nahuli ako nila Aaa at ayon pinagpiyestahan nila ang tiyan ko ng kanilang mga suntok. Buti na lang Biyernes at Club period after ng lunch. Puwede akong ‘di umattend.

Nasa isang sulok ako ng library kung saan bihirang puntahan ng mga estudyante. Dito ako magpapalipas ng oras hanggang dismissal. Ayaw ko magpunta ng clinic, tiyak tatanungin ako ng nars kung ano ang nangyari. Ayaw ko ng mahaba usapan at tiyak ire-report niya ito sa Principal. Malaking gulo ‘yun pag nagkataon. Mas lalo akong pag-iinitan ng tropa nina Aaa.

Nakaupo ako sa sahig habang ang likod ko nakasandal sa pader. Hawak-hawak ang tiyan ko at namamalipit ako sa sakit. Hindi ko maiwasan pumatak ang luha sa aking mga mata.

Pero ayos lang. Nakaranas na ako ng mas masahol pa dito. Kaya tinitiis ko na lang. Sa mga ganitong pagkakataon si Astroboy na lang ang iniisip ko.

   Balang-araw makakaganti rin ako!

Naka-iglip pala ako ng ‘di ko namamalayan. Nagising na lang ako ng may maramdaman akong hapdi sa aking noo.

“What the fuck are you doin’, man?” Medyo napalakas ang boses ko.

Sumenyas si Jjj na tumahimik ako gamit ang kanyang hintuturo na nakalapat sa kanyang labi. Nakaluhod siya sa aking harapan at pinagpatuloy ang pagdampi ng bulak ng may alcohol sa aking noo.

“Aray!”

“Be quiet!” Mahina pero matigas ang boses niya. “You have a nasty cut on your forehead and lower lip.”

   ‘Tangna!

Sa sobrang tindin ng pagtira nila Aaa sa aking sikmura, ‘di ko naramdaman na nasugatan din pala ang noo at labi ko. Sigurado akong nakuha ko ito noong tinadyakan ako ni Aab sa likod at lumanding ang mukha ko sa semento.

Tatabigin ko sana ang kamay ni Jjj pero maagap niya nahawak ang wrist ko.

“Quit being too proud to accept my help. I’m almost done here!”

Mahigpit ang hawak ni Jjj sa wrist ko. Tinitigan ko siya ng masama at ang kumag ayaw magpatalo, nakipagtitigan din. Matapos ng ilang segundo ‘di na ako nanlaban. Binitawan ni Jjj ang wrist ko at patuloy na ginamot ang aking mga sugat. Habang ginagawa niya ‘yun, ‘di ako makatingin sa kanya kaya sa pader ko binaling ang aking tingin.

Matapos niyang lagyan ng band-aid ang noo ko, sinubukan kong tumayo pero talagang masakit ang tiyan at likod ko sa bugbog na aking natamo. Inilagay agad ni Jjj ang kaliwang braso ko sa kanyang balikat palibot ng kanyang leeg habang ang kanang braso naman niya’y sinuportahan ang aking likod.

– 11 –

Sa parking lot ng school naghihintay na ang drayber ni Jjj. Tumakbo si Manong papapunta sa amin at tinulungan ang kanyang binatilyong amo sa pag-akay sa akin.

Isasakay na nila ako sa kotse pero pinigilan ko sila.

“No.”

Mukhang nahululaan ni Jjj bakit ayaw kong sumasakay sa kotse niya.

“Your ride left awhile ago. So, you have no choice. Get in the car and let me take you home.”

Dahil sa pagod at sakit ng katawan wala na akong panahon makipagtalo pa kay Jjj. Ayaw ko man, pero tama nga siya. Wala na school bus ko at mahirap ng makakuha ng taxi during rush hour lalo na sa kondisyon ko.

Pagkaupo ko sa loob ng kotse tumabi sa akin si Jjj.

“‘Wait!” Sabi ko noong isasara na niya ang pinto. “My bag.”

“I have it already.”

Ewan ko pero napangiti na lang ako. Tapos sumandal ako sa upuan. ‘Di ko namalayan nakatulog na pala ako.

Nagising ako at ‘di ko alam kung nasaan ako. Malaki at maganda ang kuwarto. Pinilit kong tumayo mula sa pagkakahiga sa malaking kama pero sadyang nanghihina ako at tila nilalagnat. Masakit pa rin ang buong katawan ko. Pangalawang attempt kung bumangon sa kama sakto naman dumating ni Jjj.

“Hey, you better lay still. You have a fever!”

“Nasaan ako?”

“You are in my room.”

“Puwede bang managalog ka nga wala na tayo sa school.”

“Okay. Dito na kita dinala sa bahay ko kasi nag-pass out ka pagkasakay mo ng kotse kanina. Eh, hindi mo naman nasabi sa akin kung saan ka nakatira.”

“Ah, ganoon ba.” Pinilit kong tumayo pero nabuwal ako at nahulog sa sahig.

Tumalon si Jjj sa kama, tinulungan niya ako tumayo at inupo sa kama.

“Kailangan kong umuwi. Si Mama baka nagwo-worry na.”

“Tumawag na ako sa inyo.”

“Paano mo nalaman number namin sa bahay?”

“You’re so silly. It is printed at the back of our IDs,  duh!”

“Ah, oo nga man.” Sarcastic kong tugon.

“Anyways, maid ninyo ang nakasagot. Wala pa raw ang Mama mo. Nagbiling na lang ako sa kanya na patawagin ang Mama mo dito pagdating niya. Sinabi ko you’ll be staying here over the weekend kasi may project tayong tatapusin.”

“Ha? ‘Di puwede. Papagalitan ako ni Mama. Ayaw niyang nakikitulog ako sa bahay ng ibang tao.”

Ang totoo mas ikakatuwa pa ni Mama malaman na mayroon na akong kaibigan pero nagdadahilan lang ako kay Jjj para ‘di na siya magpumilit na matulog ako sa bahay niya.

“Would you rather explain to your Mom how you got your bruises than stay here until you get better? That would be a big problem especially if she goes to our school and report this, don’t you think?”

“Litek! Sabing managalog ka eh!”

   Putik!

May point itong kumag na ito. Paano ko nga ii-explain kay Mama ang mga pasa ko.

“Eh, pagkatapos ng weekend, sa tingin mo ba ‘di niya mapapansin itong mga galos at pasa ko!”

“Naisip ko na ‘yan. If you stay here over the weekend puwede mong sabihin na nagbreak tayo sa paggawa ng project natin at nag-bike tayo. Tapos sumemplang ka sa bike kaya ka nagkasugat sa noo at labi. ‘Yun pasa mo sa tiyan at balakang ‘di na niya mapapansin ‘yon unless you walk around your house shirtless.”

“Dami mong alam!” Irita kong sagot.

Tengene! Wala akong mailusot dito sa kumag na ito.

“Eh… paano…”

“Oh, shut up already, Xxx! You are staying here and that’s that! The least you can say is thank you.”

   Potah itong kumag na ito pinagtaasan ako ng boses ah!

“Eh, pinilit ba kitang dalhin mo ako dito?”

“Whatever. Just rest and I’ll bring you something to eat so you can drink medicine for your fever and body pain, okay?”

Tumango na ako lang.

– 12 –

   Tae!

Parang akong bata sinubuan pa ako nitong kumag na ito ng mainit na sopas. ‘Di ko naman maubos. Hindi sa ‘di masarap ‘yon pinapakain akin pero talagang masakit pa rin ang tiyan ko, nanghihina talaga ako at walang ganang kumain. Buti na lang ‘di na nagpumilit si Jjj na ubusin ko ang pagkain na dinala niya para sa akin.

Matapos kumain pinainom niya ako ng Advil.

“Asan ang uniform ko?”

“Pinalabhan ko na. Ang dumi kasi puros pawis at may mantiya ng dugo.”

“Sino ang nagpalit sa akin?”

   Potah!

Ang kumag kinindatan ako sabay tawa.

“‘Tangna! ‘Di nga?”

“Ang dungis-dungis mo ayaw ko nga madumihan ang kama ko. Kaya hinilamusan ko buong katawan mo at pinalitan ng damit.”

“Putik!”

“‘Wag kang mag-alala wala naman akong nakita. As in wala! Dapat pa yatang gamitan ng magnifying glass para makita ang sa ‘yo!”

Tapos tumawa uli si Jjj ng malakas. Binato ko ng unan ang kumag. Ayon, sapol sa mukha. Ako naman ang tumawa ng malakas.

“Pasalamat ka may sakit ka. Gusto mong dagdagan ko pa ang pasa mo sa katawan?” Pang-aasar na sabi ni Jjj.

“Sige! Sanay na ako!” Galit kong sabi.

Tumahimik si Jjj. Nakuha niya na ‘di nakakatawa ang biro niya.

“Hey, I’m sorry. I didn’t mean it.”

Tahimik lang ako at humiga sa kama patalikod sa kanya. Inilabas na lang niya ang pinagkainan ko. ‘Di ko na namalayan ang pagbalik niya sa kwarto dahil nakatulog muli ako.

‘Di ko alam kung anong oras ako muling nagising pero nangangatog ang buong katawan ko. Siguro dahil sa may sakit ako. Makalipas ng ilang sandali naramdaman may nag-ayos ng kumot na gamit ko at kinumutan ako hanggang leeg ko. Nakatalikod ako kaya ‘di ko na nilingon kung sino ‘yun. Siguro akong si Jjj ‘yon kasi kuwarto niya ito.

“Would you like me to lower the temperature of the AC?” Tanong niya.

‘Di ko sinagot ang tanong niya. Nahihiya na ako dahil sobrang pang-aabala na itong ginagawa ko sa kanya.

Wala sa sino man sa mga kaklase ko sa nakalipas ng tatlong taon sa pesteng eskwelahan namin na naging concern sa akin tuwing binubugbog ako ng tropa nina Aaa. Si Jjj lang ang taong tumulong sa akin.

Noong ‘di ako sumagot, bigla na lang akong niyakap ni Jjj mula sa aking likuran. Una’y asiwa ako kaya pinilit kong inaalis ang pagkakayap niya sa akin.

“You don’t want me to lower the temperature of the AC. Then, lemme do this instead to keep you warm.”

   Awkward!

“Thank you.” Mahinang tugon ko makalipas ng ilang sandali.

‘Di na siya sumagot bagkus mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin.

Ramdam ko sa likod ko ang tibok ng puso niya. Tila ba sumasabay ito sa pagpintig ng puso ko.

– 13 –

   Confused!

Nagising ako nakatihayang sa kama habang ang ulo ni Jjj ay nakapatong sa aking dibdib. Ewan ko ba,  bagaman asiwa ako sa aming posisyon, dinedma ko na lang. Hinayaan ko na lang siya matulog sa aking dibdib habang akap-akap niya ako.

   “People come
   People go
   It doesn’t really matter
   ‘Cause I still don’t know
   If they can share
   The colors of a heart”

Nakatingala ako pinagmamasdan ang ceiling at nagmuni-muni. Mula nang mawala ang ka-inosentehan ko, takot na akong magtiwala o mapalapit ang loob sa ibang tao kaya mas ginugusto kong laging nag-iisa.

   “Time will tell
   I may see
   That someone
   Who will matter
   Will just turn around
   And change my world
   With skies of gray to blue”

Pero sa sitwasyon ko ngayon, ‘di ko ma-explain. Wala pang twenty-four hours kong kakilala si Jjj, mixed emotions ang aking nararamdaman. Nayayamot ako kasi feeling close siya agad. Pero sa isang banda, sincere ang dating ng mga pinakikita niya na walang halong ka-plastikan o malisya. Parang siyang bata masyadong expressive ng kanyang nararamdaman. Pero sa isang banda rin naman, may pagka-brat.

   “Color me lonely
   That may be true
   Color me lonely
   If it’s all the same to you
   But someone will come
   Paint all the hues
   Coloring me something else
   Please do”

   Haist! Basta magulo!

“How long have you been awake?”

Naputol ang aking pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Jjj.

“Long enough.” Sagot ko sabay hampas sa kanya ulo.

“Ouch! Why did you hit me?”

“Geez man, get off me already you’re freakin’ heavy!”

“Sorry. I didn’t mean to sleep on you like this.”

“Whatever!”

“How are you feeling?”

“I’ll live.”

Matapos mag-breakfast tumambay lang ako sa garden nila. ‘Yun breakfast namin pang-late lunch at early merienda na kasi alas dos na kami nagising.

Naglakad-lakad ako sa garden nila Jjj. Iniwanan muna niya akong mag-isa kasi tumawag ang mga magulang niya na nagbabakasyon sa ibang bansa. Malaki talaga ang bahay nila. May swimming pool pa.

Pumunta ako sa side ng pool at binabad ko ang aking mga paa sa tubig.

“So, what do you want to do now?” Tanong ni Jjj pagkalapit sa akin.

Tumayo ako at pagkatapos itinulak ko siya sa pool. Tawa ako ng tawa sa aking ginawa.

Malalim pala ang area ng pool kung saan kami malapit. Matagal na nakalubog si Jjj bago ito nag-resurface sa tubig.

“I don’t know… how to… swim!” Sigaw ni Jjj habang pinipilit ‘wag lumubog ang ulo niya sa tubig.

Una, inakala ko ginu-good time lang niya ako para tumalon ako sa pool. Pero noong lumubog muli ang buong katawan niya at nakita kong talagang nagpa-panick siya, nag-dive na ako sa pool para sagipin siya.

Sinisid ko siya at kita ko talagang nahihirapan siyang lumangoy. Hinawakan ko siya at itinaas. Nang umahon na ang ulo namin sa tubig nakayakap ang mga bisig ni Jjj sa aking leeg.

“Asshole!” Sambit ni Jjj pagkatapos umubo at idinura ang tubig na kanyang nainom galing sa pool.

“I’m sorry… I didn’t know… I assumed since you have a pool…” Sabi ko nang makaahon kami sa pool.

Natigilan ako sa sinasabi ko nang biglang yakapin ako ni Jjj at umiyak na parang bata.

– 14 –

   Shit!

   Nakakahiya!

   I’m such a social retard to think that because they have a pool na marunong si Jjj lumangoy. Kahit marunong siyang lumangoy, we’re not close friends for me to even do that!

   I almost killed the poor guy!

   Ampotah talaga!

‘Di alam ang gagawin ko. Kanina pa ako sorry ng sorry pero ‘di ako pinapansin ng kumag.

Sa shower room malapit sa pool na ako nagbanlaw. Wala na akong lakas ng loob pumasok pa sa bahay ni Jjj pagkatapos ng ginawa ko. Nakisuyo ako sa maid na kunin ang uniporme ko.

Nagbubutones na ako ng polo shirt papalabas ng shower room nang bumangga ako sa isang tao.

“What the fuck…!” Sabi ko.

“Twerp! Do you kiss your mother with that mouth!” Bulyaw sa akin ng binatilyo.

Pagtingin ko sa mukha niya namutla ako. Si Ccc pala ang nakabanggaan ko. Siya ang captain ng basketball varsity ng school namin.

“For a twerp, you sure have a nasty mouth!” Sabi niya sabay tulak sa akin.

Tumama ako sa pader at hinawakan niya ang collar ng polo shirt ko nang mahigpit. Napahawak ako sa likod ko dahil masakit pa ito sa pagkakatadyang ni Aab kahapon.

May atraso ako kay Ccc.

Last year, isang araw bago ng championship ‘di nakapaglaro si Ccc dahil sa akin. Hinahabol ako nina Aaa noon. Tumakbo ako papuntang ng gym at aksidente kong nabangga si Ccc noong papasok na siya ng lockerroom. Tumama ang kanyang kanang balikat sa bakal na pintuan at na-sprain ito. ‘Di niya tuloy maigalaw ito sa sobrang sakit kaya binangko siya ni Coach Ddd during the game. Bagaman nanalo ang team namin ‘di ako napatawad ni Ccc dahil dito. Kaya ayon nadagdagan ang mga taong iniiwasan ko sa school.

Tinitigan niya ako sa mukha ng matagal at nang mapansin kong itinaas niya ang kanang kamay papunta sa mukha ko, ipinikit ko ang aking mga mata at naghihintay lumanding ang kamao niya sa mukha ko.

“Tangna! Binugbog ka naman nila Aaa, noh?”

Binitawan niya ang collar ang polo shirt ko at pagkatapos ay hinawakan ang sugat sa labi ko.

“Aray!” Sabi ko. Tinabig ko ang kamay niya at nag-umpisang humakbang ng paika-ika papalayo sa kanya.

“Shit! Ako ba ang may gawa ‘yan?” Tanong niya sa akin kasi hawak ko ang balakang ko habang nalalakad.

“Hindi gawa ni Aab ito kahapon. Masakit pa nga tapos dinagdagan mo pa.” Sabi ko na ‘di humaharap sa kanya.

Hinawakan niya ang aking balikat. “Eh, bakit kasi hinahayaan mong i-bully ka nila. Bakit ‘di ka lumaban?”

“Bakit, ang ginawa mo ba kanina ‘di ba pangbu-bully ‘yun? Eh, ‘yun lagi mo akong pinagtritripan sa school, ‘di ba pangbu-bully ang tawag doon?”

“Pero never kitang sinapak o binugbog. ‘Yun inaambaan kita ng kamao ko o tinulak kita sa pader,  I’m just messing around with you.”

“Bakit akala mo harmless prank lang ang ginagawa mo sa akin? ‘Di ko nga alam kung paano ako iiwas sa iyo sa school dahil sa takot baka isang araw tuluyan mo akong bugbugin. ‘Yun takot na anytime gantihan mo ako ang lagi nasa isipan ko tuwing nakikita kita.”

Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko.

“And another thing, you are worse than Aaa at sa tropa niya. At least with them, I know what to expect. Unlike you, puros pananakot ka. Ang dami mong pasakalye. Kung gagantihan mo ako gawin mo na.  Wala kang guts gawing ang dapat mong gawin!”

Hindi ko alam kung anong reaction ni Ccc at wala na rin ako pakialam. Hindi ko nga alam bakit nasa bahay siya ni Jjj at kung ano ang ginagawa niya dito. Wala na ako pakialam doon. Ang gusto ko lang gawin ay makaalis sa lugar na ito.

– 15 –

   Mga palusot ko!

Pagkauwi ko galing sa bahay nina Jjj, nagulat si Mama kung bakit ang aga kong umuwi. Sinabi ko na lang madali namin na tapos ang project namin at nagpasiya na akong umuwi kasi masama pakiramdam ko.

Napansin ni Mama ang sugat ko sa noo at labi pero tinanggap niya ang alibi ko na sumengplang ako sa bisekleta kaya may sugat at mga galos ako.

Pina-merienda muna ako ni Mama bago ako pinainom ng gamot para sa lagnat. Bago siya umalis papunta sa event niya nung gabi binisita niya ako sa kwarto ko at tinignan ang kalagayan ko.

“I think I better not go to the class reunion,” wika ni Mama pagkatapos kunin ang temperature ko.

“No, it’s your class reunion and you’ve worked so hard organizing it. I’ll be okay. Nandiyan naman si Yaya, eh.” Sabi ko. “Besides, Mama ‘di na ako baby. I can take care of myself.”

“You’re always be Mama’s baby.” Sabi ni Mama.

   Hala! Embarassing!

Kahit kami lang ni Mama sa kwarto ko. I can’t helped but feel embarassed pero at the same time gumaang ang loob ko knowing how much she loves me.

Hinalikan ako ni Mama sa noo. Sakto naman dating ni Yaya na may tray ng food. Binilin ni Mama kay Yaya kung anong oras ako paiinumin muli ng gamot. Pagkatapos ay lumabas na si Mama ng kwarto ko.

“Xxx, may tumawag sa ‘yo.” Sabi ni Yaya pagkalapag ng tray.

“Ha? Sino?”

“Kaklase mo raw si Jjj. Ilang beses na nga tumatawag, eh.”

“Bakit daw?”

“Ewan ko. Una, tinanong kung nakauwi ka na raw.”

“Eh ano sabi mo?”

“Sabi ko oo. Eh, gusto kang makausap. Sabi ko ‘di puwede kasi natutulog ka at nilalagnat.”

Bigla nag-ring ang telepono sa kwarto ko kasi may entension ako ng main line.

“Yaya, kung para sa akin sabihin mo tulog pa.”

Malakas ang kutob ko para sa akin ang tawag at na si Jjj ‘yun nasa kabilang. Eh, wala naman ibang tao nakakaalam ng number ko sa bahay kung ‘di siya lang. At saka wala naman akong kaibigan para may tumawag sa akin.

Wala akong lakas ng loob para kausapin si Jjj after nang kapalpakan na ginawa ko sa kanya.

Sinagot ni Yaya ang telepono at ginawa nga ang bilin ko. Pagkababa ng phone sinabi ni Yaya na si Jjj uli ‘yun tumawag.

“Basta Yaya pag tumawag pa ulit si Jjj same lang sasabihin mo ha?”

Tumango lang si Yaya.

“Yaya, paki-alis muna  ‘yun cable sa phone para ‘di na ako maistorbo.”

Ginawa nga niya bago siya lumabas ng kwarto ko.

‘Di mawaglit sa isip ko ang pagyakap ni Jjj at pag-iyak niya noong nasa pool area kami. Parang may kirot sa puso ko na ‘di mawari.

– 16 –

Miyerkules noong makabalik ako sa eskwelahan.

Dating gawi, nakapatong ang ulo ko sa armrest ng upuan ko nakatitig lang sa pader.

Narinig ko ang boses ni Aaa at tropa niya noong dumating sila sa classroom. Paano ba naman ang aga-aga, nangingikili na ng pera ang mga ito kay Mmm. Si Mmm ang class representative at ginagawang atm machine ni Aaa pag gusto niya ng pera. Sa takot na siya’y gulpihin binibigay na lang ni Mmm ang perang baon sa tropa nina Aaa para wala ng gulo.

Pagkatapos bigyan ng pera ni Mmm sina Aaa, hindi ako hinarass ng tropa nila. Usually, sa akin nila sunod binabaling ang kanilang atensyon para pagtripan. ‘Yan ang routine nila since Grade 5 kami.

   May mali dito!

   Hmm… bakit kaya?

   May pinaplano kaya itong si Aaa mamaya sa akin?

   Shit!

   Ewan!

Inutusan ni Aaa si Aab at Aac na bilhan siya ng pagkain sa cafeteria at sumunod naman ang dalawa.

“Hey, so you’re back!”

   Potah!

   Paano ko pakikiharapan si Jjj after ng nangyari noong Sabado? Galit pa kaya siya sa akin?

‘Di ko na kailangan tignan kung sino ang kumakausap sa akin. Sure akong si Jjj.

“I’ve been calling your house but your nanny told me that you can’t be disturbed.”

Sush! Manhid ka ba? ‘Di pa ba obvious iniiwasan kita?

“………..” Deadma lang ako.

“How are you feeling?”

“……….”

   Tanga ba itong si Jjj o sadyang epal lang? ‘Di nga ako sumasagot pero patuloy pa rin ang pagkausap sa akin. ‘Di ba niya gets na ayaw ko siyang kausap?

“Oh, by the way, here’s your bag. You left it at my house last Saturday.”

Doon ako gumalaw sa upuan ko para kunin ang bag ko sa kanya.

“Hep… hep… ano ito Jjj. Bakit nasa ‘yo ang bag ng kumag na ito?” Singit ni Aaa.

Aabutin ko na saan ang bag ko pero hinablot ni Aaa. ‘Di naman inalis ni Jjj ang kanyang pagkakahawak sa bag ko.

“Kinausap na kita tungkol dito ah o baka nakakalimutan mo?” Sabi ni Aaa na matalim ang tingin kay Jjj.

“I know.” Tumayo si Jjj. “But, I don’t remember agreeing to your bullshit. So back off!”

   Hala!

Nagulat ako sa inasal ni Jjj. Tila hinamon niya si Aaa.

   Putik! Ano ito?

– 17 –

Na-shock talaga ako sa inasal ni Jjj. Walang sino man sa class namin ang nagkaroon ng guts na makipagmatigas kay Aaa.

   May death ba ‘to si Jjj? Sadya bang matapang si Jjj o tanga lang talaga siya?

Dumating ang tropa ni Aaa galing sa cafeteria at nakita ang amo nila nakikipag matigasan kay Jjj.

“Aaa, ano titirahin ko na ba ito?” Epal ni Aac.

“Walang makikialam!” Bulyaw ni Aaa kay Aac.

Lahat ng mga pares na mata sa loob ng classroom nakatingin kina Aaa at Jjj. Ako naman parang timang lang ‘di makagalaw sa aking upuan.

“Binabalaan kita Jjj! Do as I say or else…”

“What?” Binara agad ni Jjj si Aaa. “I think, you better consider carefully what you are going to say next. You know damn well who I am in this school!” Paninindak ni Jjj.

Tahimik lang ang lahat.

   Anong pinagsasabi nito ni Jjj?

Pinagmasdan ko si Jjj at seryoso ang kumag. Ang titig niya kay Aaa tila ba gusto niyang pumatay ng tao. Binaling ko ang tingin ko kay Aaa at tila ba namumutla ito.

Naputol ang eksena nang isa sa mga classmate namin sumigaw na paparating na si Sir Ppp. Doon binitawan ni Aaa ang bag ko.

“‘Di pa tayo tapos!” Banta ni Aaa kay Jjj bago ito nagpunta sa kanyang upuan.

Nagbuntong-hininga siya Jjj bago humarap sa akin at ngumiti. Inabot sa akin ni Jjj ang bag ko at upo sa upuan niya.

   Hala!

   Split personality?

   Naguguluhan ako. Ano ibig sabihin ni Jjj sa kanyang sinabi? Bakit tila natakot sa kanya si Aaa?

Recess.

Ako lang ang naiwan mag-isa sa classroom. Tinatamad akong lumabas kaya nagtulog-tulugan na lang ako sa aking upuan.

“Hey, I brought you some snacks.”

   Peste! ‘Di ba talaga ako lulubayan ng taong ito?

Umupo ako at hinarap si Jjj. Ang kumag nakangiti na naman na mas lalo kong kina-iritahan.

   Bahala na!

   Haist!

“Look…” bungad ko. “I already thanked you for what you did last Friday even I did not ask for your help. I already apologized for what I did last Saturday. Now, please just leave me alone. You are only making things worse for me.”

Pagkatapos ay tumayo ako at naglakad papalabas ng classroom. Tumigil ako sa tapat ng pinto na ‘di humaharap kay Jjj.

“Like what I said before, just mind your own fucking business. This is the last time I will say this.” Banta ko kay Jjj pagkatapos nag-walk out na ako.

Tengene!

Sinabi ko lang ‘yun kay Jjj kasi nangangamba ako na siya ang pag-initan ni Aaa dahil sa akin. Feeling ko may kinalaman sa akin ang nangyari sa kanila kanina ni Aaa.

   Potah!

   Paranoid?

‘Di mawala sa isipan ko ang mga sinabi ni Jjj kay Aaa.

   Ano kaya ‘yun?

– 18 –

Lunch time.

Sa gilid ng chapel ako madalas kumain ng lunch. Magandang taguan ito kasi ‘di puntahan ng mga estudyante, maraming puno at halaman ang paligid.

Kakaumpisa ko pa lang kumain ng may narinig akong mga yabag na papalapit sa kinaroroonan ko. Sa taranta ko, ‘di ko naligpit ang lunch box at mabilis akong nagpunta sa pinasulok ng chapel malapit sa pader na may drum. Sa likod nh drum ako nagtago.

“I know you are here.” Boses ni Ccc ‘yun.

Sinilip ko saglit at nakatalikod siya sa puwestong kinaroroonan ko at nakatayo siya sa tapat ng lunch box ko.

“Come out already and finish eating. I just need to talk to you, that’s all.”

Malaki ang takot ko kung paniniwalaan ko siya. Siguro kaya niya ako hinahanap dahil sa sinabi ko sa kanya noong Sabado.

Minsan kasi kulang sa break fluid ang bibig ko kung kaya ano-ano ang nasasabi ko na ‘di ko pinag-iisipan mabuti.

   Haist!

“Hmm… I guess you wouldn’t mind if I eat your food since you are not hungry after all?”  Sigaw ni Ccc. Pagkatapos ay umupo siya sa bench at kinuha ang isang drumstick ng chicken na baon ko.

“Hey!” Sigaw ko.

Nilingon ni Ccc kung saan galing ang boses ko. Tumayo ako at naglakad papunta sa tapat niya.

“Oh, there you are.” Pang-aasar ni Ccc pagkatapos tuluyan kinain ‘yon drumstick.

“How did you know where to find me?”

“I’ve always known. Our school is big but it’s not that big.” Inubos na niya ang drumstick at pagkatapos ininom pati ang Coke ko bago nagsalita muli. “I really don’t know if Aaa is that stupid because until now he’s so freaking clueless where your hiding place is. Or perhaps he’s just pretending that he doesn’t know”

Makahulugan ang sinabi ni Ccc pero ang focus ng atensyon ko kung bakit gusto niya akong makausap.

“What do you want? Is this about what I said last Saturday?”

“No.”

“Then what?”

“You see, it’s about Jjj.”

“Huh?”

   Ang labo!

“You don’t know?”

“……….”

Tinitigan niya ako ng mabuti at ‘di ko talaga alam kung ano ang pinagsasabi niya.

   Putik!

Ano ba meron sa araw na ito? Bakit cryptic magsalita ang mga tao sa eskwelahan na ito? Kaninang umaga ‘yun mga dialogue sa pagitan ni Aaa at Jjj. Ngayon naman itong Ccc.

   Haist!

   Sumasakit ang ulo ko!

“Lemme put it this way. Jjj likes you. I’m not sure why but he does.”

   Anong pinagsasabi nito?

“Hey, I’m maybe yellow but I don’t fucking swing that way!”

“Chill man! Did I say you are?” Tumayo si Ccc at hinawakan ang balikat ko. “You see, when my brother likes someone, he geniunely like that person no matter what.”

“What Jjj is your brother?”

“Seriously, that’s your take on what I said? What other plausible explanation could there be why I was there last Saturday unless we’re related, duh?”

“Well… I can think of other reasons why.. ouch!”

   Tengene!

Hinampas ako sa ulo ni Ccc.

“Stop being a smartass and listen!”

“………” Tumahimik na lang ako.

“Like what I said Jjj really likes you.”

Blanko utak ko.

   Naka-droga ba itong si Ccc? Anong ba talaga ang pinagsasabi nito ‘di ko talaga maunawaan? Bakit binigyan niya ng emphasis ang mga salitang “really likes you”?

“Do you realize what you just said, right?”

“I know. I’m not an idiot. Still, he’s my brother. So, please be good to him. Take care of him, okay?

“………” Speechless ako.

“Okay?”

Hinawakan niya ang mukha ko at pagtapos itinaas-baba para tumango ng pagsang-ayon sa sinabi niya. Pagkatapos nung tumalikod siya at nag-umpisang humakbang papalayo sa akin.

Nang makahakbang ng ilang beses nagsalita muli si Ccc. “Besides, I know you like my little brother too.” Pagkatapos tumawa ng malakas.

“I… already told you that…”

“Yeah, yeah, yeah… I know, you don’t swing that way, so you say!” Tapos tumawa muli.

   Tae!

– 19 –

   Dafaq!

Grabe! Habang naglalakad pabalik sa classroom ‘di mawaglit sa isipan ko ang mga sinabi ni Ccc. Una, ‘yun tungkol sa kapatid. Ikalawa, ‘yun sinabi niya tungkol kay Aaa. Hindi ko alam if he’s just messing with my head or what. Pero mukhang seryoso naman siya kanina.

   Haist!

   Bakit ang gulo? Bakit ayaw akong lubayan ng mga taong ito?

Limang minuto bago matapos ang lunch nakabalik na ako sa classroom. Nagtaka ako kung bakit ‘di pa bumabalik ang mga kaklase ko.

   Strange!

Paglapit ko sa upuan ko may nakadikit Post-It na kulay yellow.

“Xxx, go to the auditorium for class attendance. – Jjj”

   Potah!

Dalawang building pa ang layo ng auditorium mula sa classroom namin.

   Ano kaya meron?

Pagdating ko sa auditorium, lahat ng section ng Grade 7 ay nandoon. Narinig kong may kumantang isang estudyante mula sa ibang section. Pagtingin ko sa stage, may malaking banner, “Kxxxxxxxx Audition.”

Ah, ngayon pala audition para sa singing ambassadors ng school. Habang nakatayo ako sa may pinto, nakita ako ni Sir Ppp kasi nakatayo siya sa gilid na baba ng stage. Nasa bandang unahan nakaupo ang section namin. Kinawayan niya ako at pinapunta kung asan sila. Pagdating ko doon, sa bakateng upuan ay nasa kaliwa ng aisle ako umupo agad.

“Good, you got my note.” Sabi ni Jjj.

Lumingon ako sa akin kanan si Jjj pala ang katabi hindi ko napansin agad.

Nang matapos na ang ika-lamang nag-au-audition, tinawag ng emcee ang pangalan ni Jjj.

“Listen to my song.” Bulong niya sa akin bago siya tumayo.

   Huh? Bakit?

Noong nasa gitna na siya ng stage, tinanguan niya ang piyanista hudyat na handa na siyang kumanta.

   “I need you
   Is all that I can say
   But deep inside of me
   You’ll know I want you more each day
   But time won’t let me have the chance
   So I’ve got to see you even at a glance”

   Dafaq!

Sa akin nakatingin si Jjj nakatingin

   Putang-ina!

   Ano ito?

   “I know, it’s hard for you to see
   Exactly how much you mean to me
   Since it’s just a one way street
   And I’m the only one who’s on it
   No one knows the way but me”

   ‘Tangna! ‘Di nga ako binibiro ni Ccc.

   “I love you can’t you hear me
   Oh can’t you please see through me
   Oh babe I need your love so badly
   It’s no lie so please believe me
   In my heart you’ll see the real me
   You just gotta give me a chance”

   Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso at parang may butterflies sa aking tiyan?

Sa kala-gitnaan ng kanta ni Jjj umalis ako sa aking upuan at tumakbo papalabas ng auditorium. Wala na akong pakialam kung mapagalitan ako ni Sir Ppp basta ang alam ko kailangan kong umalis doon at parang naninikip ang dibdib ko.

Nasa labas na ako ng auditorium nang bumukas ang pinto. Pagtingin ko si Jjj pala ang lumabas.

“Why did you runaway? Are you mad at me?”

Nagulat ako. ‘Di ko inakala na susundan niya ako. ‘Di ako makapagsalita.

“Hey!”

Iniwanan ko siya at tumakbo ako ng papalayo.

– 20 –

‘Di ako sumabay sa school bus. Pagkauwi mula sa school diretso ako sa kuwarto at nagkulong.

   ‘Tangna!

   Putang-ina!

   Kupal!

Puros mura ang lumalabas sa bibig tuwing naalala ko ang nangyari kanina. Tiyak pinag-uusap ng buong 7th grade ang nangyari at malaman kalat na rin ito sa buong school.

   Haist!

   ‘Tangna talagang buhay ito!

‘Di ako mapakali sa loob ng kuwarto kaya lumabas ako ng bahay at naglibot-libot sa subdivision gamit ang BMX bike ko para makapag-isip-isp.

   “Is this love
   Feeling restless inside”

Habang nagbi-bike ako mukha ni Jjj ang pumapasok sa isip ko. Tulad noong una ko siyang nakita sa Admin building.

   “Wanting you to always be my side”

Tulad noong nasa library ako at ginagamot niya ang sugat ko.

   “I don’t even want you out of my sight”

Tulad noong inakay mula sa library at tinabihan sa loob ng kotse na hawak-hawak ang aking kamay.

   “You are in my thoughts all day and night”

‘Yun kanyang malamlam na mga mata at nakapilantik na mga pilik-mata tuwing napapatingin ako sa kanyang mukha sa classroom.

   “I can’t get you out of my mind”

‘Yun kanyang mapupulang labi at dalawang biloy sa kanyang mga pisngi na lumalabas pag ngumingiti siya.

   “I think I’m in love”

   Haist!

   Potah!

   Ano ba itong nararamdaman ko?

   “I think I’m in love
   Think I’m in love with you”

‘Yun sinubuan niya ako ng sopas nung masakit ako.

   “Every single day
   Every single night”

‘Yun niyakap niya ako noong giniginaw ako.

   “Every single moment of my life
   I want to spend them all with you”

‘Yun nakatulog siya sa akin dibdib.

   “I think I’m in love
   I think I’m in love
   I think I’m in love with you”

Tulad nang binilhan ng pagkain noong recess.

   “Tell me that you care”

Totoo kayang gusto niya ako?

   “Tell me… Please”

Ano ba talaga ang nararamdaman ko?

   “Tell me that you also feel
   The way that I do…”

Gusto ko siyang nakikita na ayaw ko.

   “Can’t describe
   Words are just not enough”

Ewan, ang gulo! Ang bilis ng lahat!

   “Can’t explain
   It all happened so fast”

Tama ba itong nararamdaman ko?

   “What exactly am I feeling right now
   If this is love I got to know somehow”

Haist!

   Ano ba?

   “Just how long this madness will last
   ‘Cause I think I’m in love”

Tama kaya si Ccc na may gusto na rin ako sa kapatid niya?

– 21 –

   Tae!

Kinabukasan pagsakay ko ng school bus, lahat ng schoolmates ko nakatingin sa akin at nagbubulungan.

   Haist!

   Tae ng toro talaga!

Pinikit ko na lang ang aking mga mata at nagtulog-tulugan.

Pagdating ko sa school same scenario hanggang makarating ako sa classroom. So, dating gawi na lang. Ipatong ko ang ulo ko sa armrest ng upuan ko at tinitigan ang pader.

Maya maya pa’y nagsidatingan na ang iba ko pang kaklase isa na dito si Jjj.

“Xxx, can we talk?”

“……….”

“I know you are awake. I just…”

Pero naputol ang sinasabi niya kasi dumating na si Sir Ppp.

   Himala ang aga ni Sir Ppp! Thank you, Sir!

May binigay na seatwork si Sir Ppp sa class bago niya ako tawagin. Umalis kami ng classroom at nagpunta sa faculty room.

   Haist!

   Sir Ppp naman nandoon na pinuri kita sa pagligtas mo na ‘di ako makausap ni Jjj tapos balak mo lang pala akong sermonan!

   Pfft!

‘Yun ang nasa isipan ko habang naglalakad kami ni Sir Ppp papuntang faculty room.

Si Sir Ppp siguro nasa mid-twenties na. Maputi, matipuno ang katawan, maayos pumorma, malinis tignan at brusko ang dating. Strikto siya at by the book sa pagsunod sa regulations ng school. ‘Di naman terror sadyang strict lang na parang army officer ang dating. Besides sa pagiging homeroom adviser namin, siya rin ang may hawak ng science class ng buong 7th grade.

Sa faculty room, may ibang titser na abala sa kani-kanilang ginagawa. Dumiretso kami sa isang maliit na room na ang isang bahagi nito ay glass wall na may glass door kaya kita sa labas kung may tao sa loob.

Suki na ako dito since Grade 5 kasi nga madalas akong natutulog sa klase o ‘di kaya nagka-cut class.

Pagkaupo ko sa silya sinardo ni Sir Ppp ang pinto.

“How are you doin?”

“Okay, I guess.”

“What happened to you yesterday?”

“……….”

“Look Xxx. I maybe strict and seem indifferent in class but I am not dumb.”

Nagbuntong-hininga si Sir Ppp bago ito umupo sa upuan sa tapat ko. Napapagitnaan kami ng mesa.

“I know things are not going well for you. Aaa and his mates are still bullying you but you refuse to file a complain. And, now this with Jjj.”

Nakatingin lang ako kay Sir Ppp. Routine na ito sa akin kaya sana na akong magtanga-tanga na kunwari ‘di ko alam ang sinasabi niya.

“Xxx, I don’t care about the rumors between you and Jjj. In fact, it’s none of my business what kind relationship you two have. My concern is things are going to be worse for you with all these rumors flying around. Do you get what I am trying to say?”

“……….”

“My point is I am always here if you need any help. Okay?”

Tinignan ko lang si Sir Ppp na walang kahit anong expression sa mukha ko.

“Still, I can’t let it slide when you skip the audition period yesterday. It is still considered as cutting class. So, for you punishment, every homeroom period, you have to help organize things in the library for a whole week starting this coming Monday, understand?”

“Yes, Sir.”

“You may go now.”

Hawak ko na ang door handle nang nagsalita muli si Sir Ppp.

“One more thing, Xxx. I know you’re maybe confused right now. Give it time and just be true to what your true feelings are.”

   May ganoon pang statement talaga?

   Dafaq!

– 22 –

After lunch, P.E. class namin.

Nakalimutan ko ang swimming trunks ko. Habang nasisipasukan ang mga kaklase ko sa shower room, pinapagalitan ako ni Coach Hhh sa labas. Nakatalikod si Coach kaya ‘di niya pansin na nag-aaway si Jjj at Aaa sa kabilang dulo ng pool area. Naging physical ang away nilang dalawa at naitulak ni Aaa si Jjj sa pool.

“Aaa, ‘di marunong lumangoy si Jjj!” Sigaw ko.

Standard Olympic size ang pool ng school namin. ‘Di ko alam kung narinig ako ni Aaa kasi nasa magkabilang dulo kami.

Si Aaa parang na-shock sa nangyari at ‘di kumikilos sa kinaroroonan niya. Tumakbo ako nang mabilis at nang malapit na ako kay Aaa at saka ako tumalon sa tubig para iligtas si Jjj.

Pag-ahon ko kasama ko na si Jjj pero unconscious. Nakita ko Coach nasa gilid na pool inaabot ang kanyang kamay sa aking para tulungan akong mai-ahon si Jjj sa pool.

Paglapag ni Coach kay Jjj sa sahid nakaahon na ako sa tubig at lumuhod ako sa gilid ni Coach na pine-perform na ang CPR. Nagkamalay na rin si Jjj after several attempts in Coach na-revive siya.

Nakita kong papalapit si Aaa, napatayo ako bigla at sinapak ko ang mukha niya. Hindi pumalag si Aaa at inawat ako ni Coach ng sasapakin ko muli si Aaa.

“Enough, Xxx! Bring Jjj to the clinic now!” Galit na utos ni Coach.

Nasa loob na kami ni Jjj sa isang make-shift-room ng clinic. Katatapos lang i-check ng nars ang kalagayan ni Jjj at ayos na naman daw si Jjj. Nagpaalam ang nars na kukuha lang ng extra PE uniform sa Admin office para makapagpalit si Jjj ng damit. Inisara niya ang tabing bago siya umalis at iniwan kaming dalawa ni Jjj.

“Thank you.” Sabi niya nang umupo ako sa tabi niya at bigla ko siyang niyakap.

Sa aking pagkakayakap ko sa kanya doon ko naisip na muntik na siyang mamatay at dahil doon napaiyak ako.

   “We touched and we felt more beautiful,”

At niyakap niya rin ako.

   “And two hands reachin’ out
   Filled with so much longing;”

Ewan ko ba, at that moment, ‘di na namin kailangan mag-usap pa para malaman ang nararamdaman ng bawat isa. Wala na rin akong pakialam kung may makita sa amin o kung ano man ang inisipin nila. Ang importante sa akin ligtas na si Jjj.

   “It felt good inside,
   There is no denying I’m in love.”

Hinalikan niya ako sa noo habang pinatatahan ako.

   “So it’s you I’ve been waiting for so long,
   So it’s you, where were you all along?
   Very special moments, these will always be with me,
   We are here, you and I, we belong.”

– 23 –

Kinabuksan wala si Aaa sa class. Na-suspend siya ng isang linggo dahil sa nangyari. Ako naman bagaman ‘di na-suspend sa pagsapak ko sa kanya, pinalawak ang community service ko sa library ng isang buwan.

Lunch time.

Kararating ko lang sa gilid ng chapel at nagulat ako nandoon si Jjj.

Actually, after ko sa library kaninang umaga, iniiwasan kong talagang kausapin si Jjj ‘di dahil galit ako sa kanya. ‘Di ko lang alam ang dapat ikilos ko sa harap niya after what happened sa clinic.

“Finally, there you are.” Bungad ni Jjj. “You’ve been giving me the cold shoulder the whole morning so I decided to come here in your secret hideaway.”

“How did you know…”

Kinut niya ang sinasabi ko.

“Ccc told me.”

   Putik!

Pinagkakaisahan yata ako ng magkapatid na ito? Kailangan ko ng maghanap na bagong taguan.

“So, are you avoiding me? Are you mad at me?”

Naputol ang pag-iisip nang magsalita muli si Jjj.

“……….”

‘Di ko alam ang isasagot ko.

   Oo, pero not in the way na inisip mo. ‘Di ko lang talaga alam how I should act infront of you. ‘Yun ang gustong sabihin kay Jjj.

“When did I not try to avoid you?” Sagot ko.

“Yesterday.”

“………”

“You like me now right?”

   Presko mo ulol!

“Hey, Jjj stop being a dumbass.” Napalingon ako kasi boses ni Ccc ‘yun nagsalita. “Of course, he likes you why else he would cry like some girl while hugging yesterday?” Dagdag ni Ccc sabay kindat sa akin.

   Tangna!

   Cornered ako ng magkapatid na ito ah!

Naabutan kami ni Ccc sa clinic kahapon na magkayakap. Sinabihan pala siya ng nars kung ano nangyari sa kapatid niya kaya dagli siyang nagpunta sa clinic para malaman ang kalagayan ni Jjj.

“So you two lovebirds better quit acting like some dumbasses already. You both know that you like each other. Let’s eat already, okay?”

   Hala!

   Potah!

   Lovebirds agad?!

   Haist!

May dalang pagkain ang magkapatid at umupo na sila sa bench para kumain. Ako naman nakatayo lang at namumula sa hiya sa mga sinabi ni Ccc.

Nilapitan ako ni Jjj at hinila ang kamay ko papunta ng bench. Noong, una’y ayaw ko pero ang kulit ni Jjj ayaw akong tigilan. Si Ccc naman ay nakatingin lang sa aming dalawa habang kumakain.

Sa kalagitnaan ng aming pagkain nagdatingan ang ibang ka-teammates sa basketball ni Ccc at doon sa gilid ng chapel tumambay hanggang matapos ang lunch.

   Pakshet!

   Kailangan ko talagang makahanap ng bagong lugar na pagtataguan.

– 24 –

Saturday morning.

Sinundo ako ni Jjj. Mag-oovernight kami sa Tagaytay sa resthouse nila kasama si Ccc at mga tropa nito.

   Tengene!

Ayaw ko talagang sumama.

Una, ‘di ko alam kung papayagan ako ni Mama kasi overnight na ‘di pa niya kilala ang mga kasama ko.

Pangalawa, ‘di ako sanay na makihalubilo sa mga tao, ika nga socially awkward ako.

Kahapon sa gilid ng chapel bigla ako nagkaroon ng instant crew – ang ibang miyembro ng basketball varsity team. Although, ‘di nila ako tinuring na iba. Still, ‘di ako sanay.

Pangatlo, ‘di ko pa alam kung paano ko pakikitunguan si Jjj ngayon at kung ano man ang relasyon na meron kami. ‘Di ko alam kung ano ang mga expectations niya sa akin.

   Haist!

   Ang hirap!

   Nakakapanibago!

Pero syempre ang pagka-brat ni Jjj ang nanaig. Nag-insist siyang ipagpaalam niya ako kay Mama. Kaya ayon ‘di ako pinasabay sa school bus at hinatid ako sa bahay.

   Mukhang sayang lang ang binabayad ni Mama sa operator ng school bus ah?

   Tss!

Magdi-dinner na nang dumating si Mama. She invited Jjj nasa bahay na namin mag-dinner. Ang kumag kahit ano sign language ko sa kanya na huwag niya accept ang offer ni Mama, ayon he accepted ‘yun invitation ni Mama.

   Nananadya ang kumag na ito, ah!

   Haist!

   Tiyak interrogation ang dating nito.

Habang kumakain kami, ang daming tinatanong ni Mama kay Jjj. Plus, ang dami rin ikinuwento ni Mama kay Jjj. Karamihan ‘yun mga embarassing moments ko pa.

   Mama, are you really my real mother?

   Haist!

   Kanina mo pa ako nilalaglag, ah!

Matapos mag-dinner hinatid ko na si Jjj sa labas ng bahay namin.

“So my baby…” Pang-aasar ni Jjj sabay tawa.

   Ampotah!

Si Mama kasi during dinner kept on calling me  “my baby” kahit ilan beses ko siyang sinasabihan na nakakahiya kasi may ibang tao. She just ignored me.

“Stop it!” Irita kong sagot.

“I’m sorry. I can’t help it. Haha.” Biglang pinisil ang pisngi ko. “You look so cute when you are embarass… ouch!”

Sinutok ko ang kanan braso niya.

“Fine… fine.. I’ll stop.” Tumahimik siya saglit. “My baby… haha!” Tapos bigla siyang tumakbo.

Hinabol ko siya at tawa pa rin siya ng tawa. Mabilis siya pero mas mabilis akong tumakbo. Praktisado yata ako sa pagtakbo dahil sa kakatakas kong mabugbog ng tropa nila Aaa.

Paulit-ulit niya ako tinatawag sa pet name ko. Kaya noong maabutan ko siya malapit na kabilang corner ng street namin, kinulong ko siya sa mga bisig ko mula sa kanyang likuran at ini-squeeze ko ang katawan niya ng ubod ng higpit.

“Okay… haha… I’ll stop.. haha.”

“Talaga?”

“Yes.”

I was about to let him go pero he stopped me.

“Hold me like this for a bit longer.” Sabi niya na pinigilan akong tanggaling ang pagkakayap ko sa kanya.

   ”Tangna!

Pasalamat ka gabi at walang tao sa street namin. Baka ano pa ang isipin ng ibang tao sa ginagawa natin.

I hug him dearly and all my worries fade away.

– 25 –

Pasikat palang ang araw nang sinundo ako nila Jjj. Si Ccc ang nagda-drive ng L-300 van. Kasama namin ‘yun limang ka-varsity ni Ccc sa basketball.

Sa pinakahuling upuan ng van kami ni Jjj umupo. Nang umandar na ang van, hinawakan ni Jjj ang kaliwa kong kamay at ikinulong sa kanyang kanan kamay.

   “Come hold my hand
   It’s just a matter of time”

Tignan ko siya at nginitian lang niya ako.

   “We’ve taken that step
   Now our hearts and minds do rhyme”

Ipinatong niya ang kanyang ulo sa kaliwa kong balikat. Tinignan ko siya muli at nakapikit na ang kanyang mga mata.

   “The seasons we left behind
   Dark and empty, cold and alone
   Reasons so plenty, sins to atone.”

Binitawan ko ang kanyang kamay at tumingin siya sa akin na ang kanyang mga mata ay nagtatanong kung bakit ko binitawan ang kanyang kamay.

Ngumiti lang ako at inilagay ko ang kaliwang bisig ko palibot ng kanyang leeg. Isinandal muli ang ulo niya sa aking balikat at hinawakan ko ang kanyang kanang kamay. Pagkatapos ipinatong ko ang ulo sa ulo niya at pinikit ang aking mga mata.

   “Live and be
   Love will set us free
   Hearts that see and feel
   Love will make us real
   Live and let it be
   Love will set us free
   Hearts that see and feel
   Love will make us real.”

“Wake up lovebirds.”

‘Yan ang sinabi ni Ccc nang imulat ko ang akin mga mata. Siya at ang mga ka-tropa niya sa basketball ay nakamasid sa aming dalawa ni Jjj at lahat sila ay nakangisi.

“Huh?” Disoriented pa ako kasi inaantok pa ako.

“We’re here.”

Tignan ko si Jjj sa tabi ko pagkatapos doon ko lang naalala na yakap ko siya at hawak ang kanyang kamay. Napatingin ako kay Ccc muli at parang bigla akong natauhan na kapatid niya ang yakap-yakap ko. Bigla akong nahiya at inalis ko ang aking braso sa leeg ni Jjj at binitiwan ang kamay ni Jjj.

Tumawa ng malakas si Ccc at ang barkada niya dahil sa reaksyon ko. Nagising si Jjj kasi bigla kong inalis ang ulo niys sa balikat ko.

“Hey! What’s happening?” Sabi ni Jjj na pupungas-pungas pa.

“I think your boyfriend is embarass because we caught you guys snuggling.” Banat ni Ccc na tumatawa pa rin.

“We’re not snuggling… we fell asleep.” Defensive kong sagot.

“Yeah right! Come on guys let’s settle in.” Sabi ni Ccc sa tropa niya at isa-isa silang lumabas ng van.

“You’re so cute everytime you turn red.” Sabi ni Jjj noong kaming dalawa na lang ang naiwan.

‘Di ko siya pinansin instead tumagilid ako para abutin ang bag ko sa likuran ng upuan namin. Pagkaabot ko ng bag ko, tumambad ang mukha ni Jjj sa harapan ko. A few centimeters lang ang layo ng aming mga labi sa bawat isa.

   Smack!

   Naka-isa ang kumag, ah!

Tinuka ni Jjj ang labi ko pagkatapos ay tumawa ng malakas at mabilis lumabas ng van. Hinabol ko siya at pinalo ko ang ulo niya noong maabutan ko siya. Nagtawanan kami at inakbay niya ako habang naglalakad kami papasok ng resthouse nila.

– 26 –

Hindi ko ma-i-describe ang sobrang kasiyahan ko. Basta alam ko lang sumakit ang panga at tiyan ko sa kakatawa.

Super gulo at saya ng overnight namin sa Tagaytay. Sumunod pa ang ibang ka-varsity ni Ccc noong hapon kaya mas lalong naging riot ang kasiyahan.

May mga moments din na kaming dalawa lang ni Jjj. Pero ‘di ko na ikukuwento not because censored pero may paka-cheesy kasi.

Haha!

Dito ko rin na-realize na okay lang pala to let people in sa buhay ko. Na ‘di ko kailangan ikulong ang sarili ko sa takot ng aking nakaraan.

Kinabuksan.

Hapon na ako nakauwi sa bahay. Nag-ikot-ikot pa kasi kami sa Tagaytay.

“How was it?” Bungad ni Mama noong dumating ako sa bahay. Nakaupo siya sa sopa at nanunood ng TV.

Lumapit ako sa likuran niya at niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. “Oh, it’s okay.”

“You had fun?”

I just nodded my head in affirmation.

“Good. Baby, go wash up while I prepare you some snacks.”

After kong mag-shower at magpalit ng damit bumalik ako sa sala. Nagpaluto pala si Mama ng champorado kay Yaya bago ito pinag-off.

“Wait, I’ll get you a glass of water.” Sabi ni Mama pagkalapag ng mangkok.

“Breaking News…
   … Earlier this morning, a man was beaten to death by an angry mob after being caught in the act of raping a nine year old boy. Mr. Kkk was the boy’s academic tutor. Police informed our news team that other victims had come forward. The ages of the victims ranges from 7 to 17 years old.”

Para akong binuhasan ng malamig na tubig. Nangatog ako sa takot. Ang taong tinutukoy sa news ay ang taong bumasag ng aking kabataan. Bumalik lahat sa alaala ko ang kahalayaan kanyang ginawa sa akin.

Natauhan ako nang marinig ko may nabasag at sumigaw si Mama. Pagtingin ko sa kanya nabitawan pala niya ang basong may tubig. Tumakbo siya sa tabi at bigla akong niyakap.

“I’m so sorry… I’m so sorry!” Sabi ni Mama habang umiiyak.

Blanko isip. ‘Di ko maunawaan si Mama.

“I knew that something was wrong with you that day when you came home and you told me that you fell off from the guava tree.”

Na-shock ako!

“And the incessant nightmares you had after that day. The way you withdrew from people and always locking yourself inside your room. I knew something was wrong. But, I never thought it was something like this. I’m so sorry! Forgive me?!”

Shocked pa rin ako sa sinabi ni Mama. Wala ni isang patak ng luha ang bumagsak sa aking mata.

– 27 –

“Smile… tomorrow will be worse.” – The Murphy philosophy.

Tumayo ako at iniwan si Mama na umiiyak sa salas. Lumabas ako ng bahay at naglalakad ako na hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala na ako sa aking sarili.

Kakalakad ko umabot ako sa parke ng subdivision. Nag-ilaw ang poste sa may parke.

Gulong-gulo ang isipan ko. Akala ko lahat na nangyari ay kaya kong ibaon sa limot. Ngunit mali ako.

Parang gustong mamatay noong mga oras na ‘yun. Dahil sa aking pananahimik marami pang ibang na biktima ang demonyong halimaw na ‘yun.

Putang-ina!

Ang laki ng kasalanan ko! Dahil sa duwagan ko, ang dami pang buhay ang nasira!

“Xxx, pwede ba tayong mag-usap?”

Nagulat ako. Paglingon ko, si Aaa pala ang taong nagsalita.

“Paano mo na lamang nandito ako? Anong kailangan mo sa akin?”

“Kanina pa kita sinusundan simula ng lumabas ka sa bahay ninyo. Last summer ko pa alam kung saan ka natira. Galing ka noon ng Greenhills kaya sinundan kita pauwi na ‘di mo napapansin?”

“Ano ito pati pa ba sa lugar namin gusto mo akong i-bully, Aaa?!”

“Hindi.” Nagbuntong-hininga si Aaa. “Hindi ‘yun ang pakay ko.”

“Please leave me alone, Aaa. I don’t have time to deal with you right now!”

“Hear me out. Nandito ako para mag-apologize sa lahat ng ginawa ko sa iyo.”

Stunned!

“Fuck you Aaa! Bakit sa tingin mo ganoon lang kadali ang lahat?”

“……….” Tahimik lang si Aaa.

“Bakit? Paki-explain nga kung bakit ang init ng dugo mo sa akin?”

Hindi makapagsalita si Aaa. Matapos ng ilang segundo, naglakad na ako paalis ng park nang hawakan niya ang kamay.

“Kaya ko nagawa ang mga ‘yun kasi ‘di ko maamin sa sarili ko na gusto kita. Nagagalit ako sa ‘yo dahil sa nararamdaman ko para sa ‘yo. Pero nang dumating si Jjj ‘di ko na mapigilan ang nararamdaman ko para ‘yo. Kinausap ko si Jjj na layuan ka pero ‘di niya ginawa. Aksidente lang talaga noong nahulog siya sa pool. Nagtatalo ko kami dahil sa ‘yo.”

“Bullshit naman!” Sabi ko. Pagkaharap ko sa kanya sabay sapak sa mukha niya.

Natumba si Aaa at napaupo sa lupa.

“Stay away from me! ‘Di ko kailan ang taong tulad mo!”

“Xxx, please patawarin mo na ako! ‘Di ko sinasadya ang lahat.”

Parang may kung ano ang sumanib sa akin at ‘di ko na napigilan ang galit ko. Pinagsisipa ko si Aaa. ‘Di pa ako nakuntento, binatan ko ang mukha niya ng paulit-ulit hanggang magdugo ang nguso niya. Habang sinasapak ko siya, ‘di nanlaban si Aaa.

Nang niyakap ako ni Aaa para pigilan ang galit ko, doon ko lang na-realize ang ginawa ko. Tumayo ako at tumakbo ng mabilis palayo sa parke at iniwan si Aaa na  nakahandusay sa lupa at duguan.

Pag-uwi ko, dumiretso ako sa kwarto at nagkandado ng pinto. Humangos ako. Lahat nang galit ko sa taong sumira sa pagkatao ay nabuhos ko kay Aaa.

– 28 –

Mula noong umuwi ako galing sa parke, nagkulong na lang ako sa kwarto at ‘di na lumabas. Kahit ilang bese pang kumatok ni Mama sa pintuan ng kwarto ko ‘di ko sinasagot.

Lunes ng hapon.

Nagpunta si Jjj sa bahay. Kahit ilan beses na siyang kumatok, ‘di ko siya pinagbubuksan ng pinto.

“Xxx, what’s wrong? Talk to me.”

“Go away!”

“You know well how stubborn I am. So, please open the door and let’s talk.”

Lumapit ako sa pinto at binuksan ko ang pinto. Pagkakita sa akin ni Jjj nagulat siya sa itsura ko. Nakita niya ang natuyong dugo sa aking mga kamay at sa aking damit. Bigla niya akong niyakap.

“What happened to you?”

Kumalas agad ako sa pagkakayap ni Jjj, huminga ng malalamin bago ko siya tinignan sa mata at nagsalita.

“Listen. I’m going to say this once.”

Tumango lang si Jjj.

“I don’t want to see you anymore. Please stay away from me. Stay out of my life! I don’t need you!”

Bakas sa mukha ni Jjj ang pagkabigla at pagkalito.

“Please Xxx… tell me that you don’t mean it?”

“Seryoso ako! ‘Di ako katulad mo! Madumi ang pagkatao ko! Madilim ang nakaraan. Dahil sa pananahimik ko maraming buhay ang nasira!”

“I don’t understand what you are saying.”

“Ibaling mo na lang sa iba kung ano man ang nararamdaman mo para sa akin. I don’t deserve and I don’t need! Now, please go!”

“But…”

“Yaya paalisin mo na itong bisita!” Sigaw ko.

Itinulak ko si Jjj palabas ng room ko at sinarado ko agad ang pinto. Pagsara ng pinto umagos ang luha ko mula sa aking mga mata habang patuloy pa rin si Jjj sa pagkatok at pagsusumamong buksan ko muli ang pinto.

– 29 –

That night.

“Xxx, please open the door.” Si Mama ang kumakatok sa door.

“Go away!”

“Baby, please open the door something happened to Jjj.”

Pagkarinig ko noon napatalon ako sa kama at agad kong binuksan ang pinto. Nakita si Ccc nasa likod ni Mama.

“Anong nangyari kay Jjj?”

Tahimik lang si Mama. Si Ccc naman kita ko sa mukha niya na namumugto ang kanyang mga mata.

Pumasok si Ccc sa kwarto ko while si Mama nasa labas lang ng kwarto ko.

“Ccc anong nangyari kay Jjj?”

Ang tagal sumagot ni Ccc.

“Asan si Jjj? Anong nangyari?!”

“Xxx… wala na si Jjj.” Umiiyak si Ccc.

“Ano?!”

“Nabangga ‘yun kotse sinakyan ni Jjj kanina at pumailalim ‘yun sa sakyan sa truck. Hindi nakaligtas sina Jjj at Manong.”

Nanlambot ako sa sinabi ni Ccc at napaluhod sa harapan niya. Niyakap ako ni Ccc at sabay kaming umiiyak.

   “I’ve still been searching
   And long have I waited
   For someone to like me as me
   To laugh with, To cry with
   To be just beside with
   A friend that’s who I need”

‘Di ako makapaniwala wala na si Jjj.

   “To fight with, Make up with
   To know that you need them
   Believing that they need you, too
   To walk hand in hand with
   To argue to talk with
   A friend that’s who I need”

Ang sakit-sakit! Kasalanan ko ang lahat! Kung ‘di ko siya pinagtabuyan dapat buhay pa siya!

   “And even though
   I make mistakes
   And never do anything right
   A smile, a hug
   Can change all that
   And everything will be alright”

Parang huminto ang tibok ng puso ko sa nangyari. Wala na ang taong katibok ng aking puso!

   “Someone who’ll share
   All my dreams and ambitions
   Someone who’ll love me as me
   I need this person
   Someone to rely on
   A friend that’s who I need”

Nakaluhod ako at iyak ako ng iyak. Paulit-ulit kong sinasabi ang pangalan ni Jjj.

“Stop crying, Xxx.” Sabay yakap sa akin.

Pagtingin ko si Jjj. Niyakap ko si Jjj ng mahigpit. “I’m sorry… I’m so sorry! Forgive me ! I didn’t mean what I said.”

“Shhh… I know… I know.”

Itinayo ako ni Jjj at suddenly nasa ICU kami. Nakita ko ang sarili na maraming tubo na nakakabit sa katawan ko

“Jjj, am I dead?” Tanong ko.

Ngumiti lang si Jjj at pagkatapos noon niyakap niya ako at iniwan ako sa loob ng ICU.

Creative Commons License
Ang Paglipad ni Astroboy by S. Paguia is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivatives 4.0 International License.
Based on a work at iamthesonofkrypton.wordpress.com.
Permissions beyond the scope of this license may be available at iamthesonofkrypton.wordpress.com/contact.

FOLLOW ME

Follow me @iamthesonofkrypFollow me @iamthesonofkryptonFollow me @iamthesonofkrypton

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s